3 tip sa mga bagong dating na nagsisimula ng negosyo
Maaaring maging hamon sa kahit sino ang landas sa pagmamay-ari ng negosyo, pero ang mga bagong imigrante sa Canada ay napapaharap sa mga naiibang hirap kung minsan. Makatutulong ang tatlong tip na ito para matagumpay kang makapagsimula ng negosyo.
1. Palaguin ang credit score mo
Dahil bago ka lang sa Canada, nangangahulugan ito na maaaring wala kang kasaysayan ng pag-utang na maipapakita sa mga bangko kapag humiling ka ng business loan. Ang madaling solusyon ay mag-sign up para sa isang credit card at gamitin ito sa responsableng paraan. Maaari mo ring tuklasin ang mga programa ng gobyerno, gaya ng Pautang para sa Bagong Dating na Negosyante (Newcomer Entrepreneur Loan) ng BDC.
2. Unawain ang mga lokal na customer
Para magpatakbo ng negosyo saanman, kailangan mong maunawaan kung sinu-sino ang mga customer mo, anu-ano ang nais nilang bilhin at kung paano nila ito binibili. Mas marami kang matututunan tungkol sa mga lokal na market sa pamamagitan ng pagsali sa mga organisasyon sa pagboboluntaryo, mga asosasyon ng negosyo o bahay-sambahan.
3. Magsimulang mag-network
Bilang bagong dating na negosyante, susi ang pakakaroon ng maraming kakilala. Makakikilala at makabubuo ka ng mga ugnayan sa mga negosyo, organisasyon at asosasyon sa komunidad ng kultura mo, maging sa lokal na Chamber of Commerce.
Ang ilan sa iyong mga nakaugnayan ay maaaring maging mentor mo. Malaking tulong ang isang mentor kapag nagsisimula ng isang negosyo. Makahahanap ka ng mga mentor sa pamamagitan ng maraming organisasyon, gaya ng ACCES Employment, na nagpapatakbo sa programang Entrepreneurship Connections sa pakikipagtulungan ng BDC, at Futurpreneur Canada, na nag-aalok ng anim na buwang mentoring program.
Ihanda ang iyong sarili para sa tagumpay
Isang huling tip: Importanteng magkaroon ng sapat na pera para mayroon kang personal na panggastos habang hinihintay na kumita ang negosyo mo (sapat na ang kahit anim na buwang ipon man lang).
Nag-aalok ang Preparing to Work page ng gobyerno ng Canada ng mga babasahin tungkol sa paghahanap ng trabaho, pagpapa-assess sa mga kredensyal, mga klase sa wika at mga serbisyo para sa mga bagong dating sa inyong lugar.
May mga tanong ka ba?
Nakahandang tumulong sa iyo ang mga specialist namin.