Glosaryong pampinansyal para sa mga entrepreneur

Termino Pagsasalin Kahulugan
Accelerated payment Pinabilis na pagbabayad Kapag humihiling ang nangungutang na bawasan ang kaniyang utang sa panahon ng amortisasyon sa pamamagitan ng pagpapalaki sa halaga o dalas ng mga pagbabayad, na nagbibigay-daang mabayaran nang mas maaga ang utang.
Accounts payable Accounts payable Perang dapat bayaran ng kumpanya sa mga supplier nito o sa iba pang partido para sa mga serbisyo o produkto.
Accounts receivable Accounts receivable Perang dapat bayaran sa kumpanya ng mga customer nito para sa mga serbisyo o produktong naihatid.
Amortization period Panahon ng amortisasyon Kabuuang haba ng panahon na kinakailangan upang mabayaran nang buo ang utang.
Angel investor Angel investor Isang mayamang investor na karaniwang namumuhunan sa isang kumpanya sa simula ng pagbuo nito, karaniwang isang tech-start-up na kumpanya.
Asset Ari-arian Ang asset o ari-arian ay isang bagay na pagmamay-ari ng kumpanya. Pisikal ang mga tangible asset; maaaring kabilang sa mga ito ang cash, imbentaryo, mga sasakyan, kagamitan, gusali, at mga pamumuhunan. Hindi naman nakikita ang mga intangible asset sa pisikal na anyo at kinabibilangan ito ng mga bagay na tulad ng mga accounts receivable, pre-paid na gastos, at mga patente at tiwala.
Average days payable Average na bilang ng mga araw na mababayaran Isang pinansyal na tagapagpahiwatig na sumusukat sa karaniwang bilang ng mga araw na kinakailangan para mabayaran ng isang kumpanya ang mga supplier nito.
Average collection period Karaniwang haba ng panahon ng pagkolekta Isang pinansyal na tagapagpahiwatig na sumusukat sa karaniwang bilang ng mga araw na kinakailangan para mabayaran ang isang kumpanya ng mga customer nito.
Termino Pagsasalin Kahulugan
Balance sheet Balance sheet Ibinubuod ng isang balance sheet ang mga asset o ari-arian, liability at equity ng mga shareholder ng kumpanya sa isang partikular na panahon (tulad ng ipinahihiwatig sa itaas ng statement). Isa ito sa mga pangunahing dokumento na bumubuo sa mga financial statement ng kumpanya.
Balloon loan Balloon loan Isang uri ng utang na hindi ganap na naa-amortize sa tagal nito at nangangailangan ng balloon payment sa katapusan para mabayaran nang buo.
Balloon payment Balloon payment Isang malaking pagbabayad na inaasahan sa katapusan ng termino ng utang. Galing ang pangalan nito mula sa paglaki ng utang na parang lumaking lobo sa kadahilanang hindi pa ito ganap na na-amortize sa kabuuang tagal ng utang.
Blended payment Blended na pagbabayad Isang paraan ng pagbabayad ng utang kung saan babayaran ang utang sa mga pantay-pantay na paghuhulog, na kinabibilangan ng principal at interes.
Breakeven point Breakeven point Kapag magkatumbas ang mga kita ng kumpanya at ang lahat ng gastos kaugnay ng mga kitang iyon.
Bridge capital Bridge capital

Tinatawag ding bridge funding o bridge financing.

Pansamantalang pagpopondo ito na tumutulong sa negosyo na masapatan ang mga gastos nito hanggang sa makakuha ito ng permanenteng capital mula sa mga namumuhunan ng sosyo sa kumpanya o nagpapautang.

Business accelerators Mga business accelerator

Mga programang sumusuporta at nagpapabilis sa paglago ng mga nagsisimula o matatag nang kumpanya sa pamamagitan ng mga pagtuturo, access sa mga namumuhunan, logistical at teknikal na mga mapagkukunan gayundin ng pinagsasaluhang espasyo ng opisina. Karaniwang tumatagal nang tatlo hanggang apat na buwan ang mga accelerator. Nakatuon ang mga ito sa high-tech na sektor sa pangkalahatan.

Business incubators Mga incubator ng negosyo

Mga programang sumusuporta sa paglago ng mga start-up na kumpanya sa pamamagitan ng mga pagtuturo, access sa mga namumuhunan, logistical at teknikal na mga mapagkukunan gayundin ng pinagsasaluhang espasyo ng opisina. Nakatuon ang mga ito sa high-tech na sektor sa pangkalahatan. Maaaring magtagal ang mga kumpanya sa incubator ng negosyo mula ilang buwan hanggang sa isa o dalawang taon.

Business plan Plano ng negosyo

Ang mga plano sa negosyo ay karaniwang: tumutukoy sa mga target na customer ng kumpanya at inilalarawan ang mga produkto at serbisyo na iaalok ng kumpanya. Kinabibilangan din ito ng detalyadong paglalarawan sa inaasahang laki ng market para sa produkto o serbisyo at mga kakumpitensya, gayundin ng mga pinansyal na pagtatantiya at marketing, mga diskarte sa produksyon at sa pamamahala ng mga tauhan.

Termino Pagsasalin Kahulugan
Cash flow Cash flow Sinusukat ng cash flow kung gaano kalaking pera ang pumapasok sa kumpanya kumpara sa ginagastos nito. Kapag mas maraming pera ang pumapasok kaysa lumalabas, nangangahulugan itong positibo ang cash flow. Negatibo naman ang cash flow kung kabaliktaran nito ang nangyayari.
Cash flow statement
Statement ng cash flow
Dokumento ito na nagpapakita ng cash flow ng kumpanya sa loob ng isang yugto ng panahon (mga buwan o taon).
 Cash ratio Cash ratio   

Tinatawag ding quick ratio o acid test ratio.

Ratio na pampinansyal na nagpapahiwatig ng kakayahan ng kompanya na bayaran ang mga sinisingil ng pinagkakautangan, gamit ang mga pinaka-liquid na asset nito (cash o mga ari-arian na madaling gawing cash), tinatawag ding mga quick asset. Kahalintulad ito ng working capital ratio, ngunit hindi ito kinabibilangan ng imbentaryo at mga prepaid na bagay kung saan hindi kaagad makakakuha ng cash.

Collateral Kolateral Tinutukoy ng kolateral ang iba't ibang uri ng mga asset o ari-arian na ipinangako ng mga nangungutang bilang paniguro para sa isang utang.
Costs of goods sold Mga gastos ng produktong ibinebenta Mga gastos na direktang resulta ng paggawa sa produkto o pagbibigay ng serbisyo, tulad ng mga materyales, sahod ng tauhang gumagawa ng produkto, mga utility, atbp.
Current assets Mga current asset Mga ari-arian na maaaring gawing cash sa loob ng 12 buwan o operating cycle, tulad ng imbentaryo at accounts receivable.
Current liabilities Mga current liability Mga obligasyong pinansyal ng kumpanya na kailangang bayaran sa loob ng susunod na 12 buwan o operating cycle, tulad ng short-term na utang at accounts payable.
Termino Pagsasalin Kahulugan
Debt service coverage ratio Debt-service coverage ratio Isang financial ratio na sumusukat sa kakayahan ng negosyo na kumita nang sapat upang mabayaran ang utang nito. Karaniwang kinakalkula ito sa pamamagitan ng paghahati ng tubo sa pagpapatakbo ng negosyo bago ang interes at depreciation sa taunang mga pagbabayad ng principal at interes sa utang nito.
Debt-to-asset ratio Debt-to-asset ratio Isang financial ratio na nagpapakita ng porsyento ng mga asset o ari-arian ng kumpanya na pinondohan ng mga nagpapautang. Ipinahihiwatig ng mataas na ratio ang pagdepende sa utang at maaaring maging senyales ng kahinaan sa pinansyal.
Debt-to-equity ratio Debt-to-equity ratio Isang financial ratio na sumusukat sa laki ng pagkakautang ng negosyo kumpara sa halagang ipinuhunan ng mga may-ari nito. Binabantayang mabuti ng mga tagabangko ang tagapagpahiwatig na ito bilang sukatan ng kakayahan ng negosyo na bayaran ang utang nito.
Default Default Pagkabigong bayaran ang isang utang kapag dapat nang bayaran ito o pagkabigong sundin ang mga kundisyon sa Kasunduan sa Utang na tinukoy bilang “mga insidente ng pag-default.”
Depreciation Depreciation Pagbaba ng halaga ng isang ari-arian. Para sa mga layunin ng accounting, ipinahihiwatig ng depreciation kung gaano kalaking halaga ng tangible asset ang nagamit. Kadalasang parehong nagagamit ang amortisasyon at depreciation sa parehong paraan, ngunit maling kasanayan ito dahil tinutukoy ng amortisasyon ang mga intangible asset at tinutukoy ng depreciation ang mga tangible asset.
Dividends Mga dibidendo Bahagi ng net na tubo na ipinamamahagi ng kumpanya sa mga shareholder nito.
Termino Pagsasalin Kahulugan
EBITDA EBITDA Acronym para sa Earnings Before Interest, Taxes, Depreciation and Amortization. Karaniwang tagapagpahiwatig ito ng pangkalahatang pinansyal na pagganap ng kumpanya.
Equity financing Equity financing Kapag nagbebenta ang isang kumpanya ng mga share o sosyo sa mga namumuhunan upang makalikom ng pera para pondohan ang isang aktibidad ng kumpanya.
Termino Pagsasalin Kahulugan
Financial statements Mga financial statement Mga hanay ng dokumento ang mga financial statement na nagpapakita ng kasalukuyang pinansyal na katayuan ng kumpanya. Karaniwang kasama rito ang income statement, balance sheet, mga statement ng retained earnings at cash flow.
Fixed assets Mga fixed asset Isang salita sa accounting na naglalarawan sa mga tangible asset tulad ng lupa, mga gusali, at kagamitan na pagmamay-ari ng kumpanya o ginagamit sa normal na takbo ng negosyo.
Fixed costs Mga fixed na gastos Mga overhead na gastos na karaniwang hindi nagbabago, tulad ng mga gastos sa opisina, renta, atbp.
Fixed-rate loan Fixed-rate na utang Isang utang kung saan ang rate ng interes ay hindi nagbabago sa loob ng tinukoy na yugto ng panahon.
Termino Pagsasalin Definition
Government remittance Remittance sa pamahalaan Kinokolekta ang mga buwis sa mga benta ng mga negosyante para sa mga pamahalaang pederal at probinsyal. Kinukuha ng karamihan ng mga negosyo ang buwis sa mga produkto at serbisyo (GST) at/o sa harmonized na buwis sa benta (HST). Gayunpaman, sa British Colombia, Saskatchewan, Manitoba o Quebec, maaaring hingin sa iyo na magrehistro sa probinsyal na pamahalaan upang makolekta ang probinsyal na buwis sa benta—tinatawag na Quebec Sales Tax sa Quebec at Retail Sales Tax sa Manitoba.
Gross profit Gross na tubo

Tinatawag ding gross margin at gross profit margin.

Ito ang pagkakaiba sa pagitan ng mga kita ng kumpanya at ng gastos ng produktong ibinenta (mga gastos na direktang resulta ng paggawa sa produkto o pagbibigay ng serbisyo, tulad ng mga materyales, sahod ng tauhang gumagawa ng produkto, mga utility, atbp.). HINDI kasama rito ang mga naka-fix na gastos (mga overhead na gastos na karaniwang hindi nagbabago, tulad ng mga gastos sa opisina, renta, atbp.), mga buwis at pagbabayad sa interes.

Termino Pagsasalin Definition
Illiquid assets Mga hindi liquid na asset Mga ari-arian na hindi kaagad nagagawang cash.
Income statement Income statement Ipinapakita ng income statement ang kakayahang kumita ng negosyo sa loob ng partikular na yugto ng panahon, kabilang ang net na tubo o pagkalugi ng kumpanya. Binubuod din nito ang mga kita at gastos sa aktibidad na nauugnay at di-nauugnay sa pagpapatakbo ng kumpanya. Isa ito sa mga pangunahing dokumento na bumubuo sa pinansyal na pag-uulat ng kumpanya.
Intangible assets Mga intangible asset Hindi nakikita ang mga intangible asset sa pisikal na anyo at kinabibilangan ng mga bagay na tulad ng mga accounts receivable, pre-paid na gastos, at mga patente at tiwala. Hindi maaaring gamitin ang mga ito na pambayad ng mga utang ngunit maaaring pagkakitaan at maaaring ibenta, kaya nakalista ang mga ito sa ilalim ng mga asset o ari-arian.
Inventory turnover Inventory turnover Ratio na nagpapahiwatig kung gaano kadalas makapagbenta at magpalit ng imbentaryo ang isang kumpanya sa loob ng panahon ng accounting. Karaniwan itong isang ratio ng operational efficiency.
Termino Pagsasalin Definition
Letter of credit Letter of credit

Tinatawag ding letter of guarantee.

Dokumentong ginagawa ng pinansyal na institusyon na gumagarantiya ng pagbabayad sa nagbebenta kung matugunan ang ilang partikular na kundisyon. Nagsisilbi bilang garantiya sa pagbabayad ang letter of credit para sa nagbebenta magbayad man o hindi ang bibili.

Liabilities Mga liability

Utang o pinansyal na pananagutan ng kumpanya, tulad ng mga pagkakautang, accounts payable at mga amortisasyon.

Liquidity Liquidity

Ang liquidity ay ang kakayahan ng kumpanya na makalikom ng cash kapag kinakailangan ito, ginagawang cash ang mga asset o ari-arian upang mabayaran ang mga current liability nito.

Loan acceptance Pagtanggap ng utang

Kapag sumang-ayon ang isang kumpanya sa mga awtorisadong takda at kundisyon sa pagpopondo na iniaalok ng pinansyal na institusyon. Sumusunod sa pahintulot sa utang ang pagtanggap ng utang.

Loan authorization Pahintulot sa utang

Kapag naisagawa na ng pinansyal na institusyon ang kinakailangang hakbang nito at inaprubahan ang kahilingan sa pagpopondo. Mauuna ang pagpapahintulot sa pagtanggap ng utang.

Loan maturity date Petsa ng maturity ng utang

Ang petsa kung kailan magtatapos ang utang at dapat gawin ang huling pagbabayad.

Long-term assets Mga long-term na asset

Mga ari-arian na hindi nilayong gawing cash o magamit sa loob ng susunod na 12 buwan o operating cycle, tulad ng mga pag-aari at kagamitan.

Long-term liabilities Mga long-term liability

Mga utang o pananagutang hindi kailangang bayaran sa loob ng susunod na 12 buwan o ng operating cycle.

Love money Love money

Perang ipinautang ng pamilya o mga kaibigan. Isinasaalang-alang ito ng mga tagabangko bilang “patient capital”—iyon ay perang babayaran kapag lumalaki na ang kita ng kumpanya.

Termino Pagsasalin Definition
Net profit Net na tubo

Tinatawag ding bottom line, net income o net earnings.

Ang kabuuang kita ng kumpanya na nabawasan na ng lahat ng gastos, kabilang ang mga buwis, interes, depreciation at amortisasyon, o mga gastos sa pagpapatakbo para sa tinukoy na yugto ng panahon.

Net operating profit Net na tubo sa pagpapatakbo

Tinatawag ding net operating income o Earnings Before Interest and Taxes (EBIT).

Ang tubo sa pagpapatakbo ng kumpanya na nabawasan na ng mga gastos sa pagpapatakbo, ngunit bago ibawas ang mga buwis sa kita at interes.

Termino Pagsasalin Kahulugan
Operating expenses
Mga gastos sa pagpapatakbo

Ang mga gastos sa pagpapatakbo—tinatawag ding mga gastos sa pagbebenta, mga gastos na pangkalahatan at pang-administratibo (selling, general and administrative expenses o SG&A)—ay ang mga gastos sa pagpapatakbo ng negosyo. Kabilang sa mga ito ang upa at mga gastos sa utility, gastos sa marketing, kagamitang computer at mga benepisyo ng empleyado. Itinuturing ang mga ito bilang hindi direktang mga gastos sa isang income statement dahil hindi direktang nakakapag-ambag ang mga ito sa paggawa ng produkto o paghahatid ng serbisyo.

Operating loan
Utang sa pagpapatakbo

Tinatawag ding line of credit.

Short-term at flexible na utang na ginagamit ng kumpanya ayon sa kinakailangan—hinihiram ang sapat na kinakailangan hanggang sa isang tinukoy na halaga. Karaniwang may paniguro ito na imbentaryo at accounts receivable at maaaring hingin ng bangko ang kabuuang bayad anumang oras.

Operating profit
Tubo sa pagpapatakbo

Tinatawag ding Earnings Before Taxes (EBT).

Ang matitirang halaga pagkatapos ibawas sa gross na tubo ang mga gastos sa pagpapatakbo.

Termino Pagsasalin Kahulugan
Pari-passu
Pari-passu
Isang paraan ng pag-structure ng paniguro sa utang (ang mga asset o ari-arian na kukunin ng mga nagpapautang kung mag-default sa utang ang nangutang) kung saan ang mga nagpapautang ay masasabing patas pagdating sa kung sino ang unang mababayaran. Nangangahulugan ito na kung mag-default sa pagkakautang, ipamamahagi ang mga ari-arian nang ayon sa sukat ng halagang nautang sa bawat nagpapautang nang walang ibang pinapanigan. Nagbibigay-daan ito para mapababa ang pagkalantad sa panganib ng bawat institusyon.
Personal loan
Personal na utang

Perang ipinautang sa isang tao, hindi sa isang negosyo, at may paniguro na personal na mga asset o ari-arian ng nangungutang. Iniaalok ng maraming bangko ang ganitong uri ng pautang sa mga negosyong nagsisimula o sa mga may kaunting fixed asset (lupa, gusali, o kagamitan).

Termino Pagsasalin Kahulugan
Quick assets Mga quick asset Mga napaka-liquid na ari-arian na mabilis na nagagawang cash. Kabilang sa mga ito ang available na cash sa negosyo at accounts receivable. Hindi kasama ang imbentaryo at mga prepaid na bagay kung saan hindi kaagad makakakuha nang cash.
Termino Pagsasalin Kahulugan
Retained earnings Retained earnings Bahagi ng net na kita ng kumpanya na ipinuhunang muli sa negosyo sa halip na ipamahagi sa mga shareholder bilang mga dibidendo.
Termino Pagsasalin Kahulugan
Seasonal payment Pana-panahong pagbabayad Isang iskedyul ng pagbabayad sa utang na iniayon sa availability ng cash flow ng kumpanya. Halimbawa, mas mababa ang mga pagbabayad ng negosyo sa industriya ng turismo sa mga buwang matumal ang negosyo at mas mataas ang mga pagbabayad sa mga panahong malakas ang negosyo.
Secured loan May panigurong utang Pagpopondo kung saan ang mga asset o ari-arian tulad ng makinarya o pag-aari ay ipinangako bilang kolateral kung sakaling mag-default sa utang ang nangungutang; kung mangyari ito, kukunin ng pinansyal na institusyon ang mga ari-arian na ginamit bilang kolateral.
Seed capital Seed capital Ang inisyal na capital na ginamit upang simulan ang isang negosyo. Karaniwang ibinibigay ang pera ng mga angel investor (mga mayamang namumuhunan na kadalasang umaasang tatanggap ng posisyon ng pagmamay-ari), mga kaibigan at miyembro ng pamilya.
Senior debt Senior debt Utang na nagbibigay sa may-hawak nito ng priyoridad na karapatan sa iba pang pagkakautang.
Shareholders’ equity Equity ng mga shareholder Uri ng pagbabayad kung saan pinahihintulutan ang mga mas mababang pagbabayad para sa unang ilang taon, na sinusundan ng mas mataas o "stepped up" na mga pagbabayad sa kalaunan ng tagal ng utang.
Sole proprietorship Solong pagmamay-ari Uri ng pagbabayad kung saan pinahihintulutan ang mga mas mababang pagbabayad para sa unang ilang taon, na sinusundan ng mas mataas o "stepped up" na mga pagbabayad sa kalaunan ng tagal ng utang.
Stepped payment Stepped payment Uri ng pagbabayad kung saan pinahihintulutan ang mga mas mababang pagbabayad para sa unang ilang taon, na sinusundan ng mas mataas o "stepped up" na mga pagbabayad sa kalaunan ng tagal ng utang.
Straight-line payment Straight-line na pagbabayad

Tinatawag ding regular na bayad.

Ito ang pinakasimpleng uri ng amortization, kung saan ang mga pagbabayad sa principal ay nakakalat nang pantay-pantay sa kabuuang tagal ng utang.

Subordinate financing Subordinate financing

Magkahalong utang at equity financing na ginagamit upang pondohan ang paglago ng mga kasalukuyang kumpanya. Pagpopondo ito na mas mababa ang priyoridad sa pagbabayad sa may panigurong utang, at nauuna sa karaniwang stock o equity.

Termino Pagsasalin Kahulugan
Tangible assets
Mga tangible asset
Mga ari-arian na may pisikal na anyo tulad ng real estate, kagamitan, mga sasakyan, kasangkapan o imbentaryo. Karaniwang hinihiling ang mga tangible asset bilang kolateral ng mga tradisyunal na nagpapautang kapag isinasaalang-alang ang isang kahilingan sa pag-utang.
Term loan
Term loan
Isang utang na nilayong ganap na ibibigay sa umuutang at babayaran sa mga regular na paghuhulog (karaniwang buwanan) sa loob ng itinakdang yugto ng panahon. Karaniwang pinakamadalas ginagamit ang mga term loan upang pondohan ang mga fixed asset tulad ng kagamitan at mga gusali.
Termino Pagsasalin Kahulugan
Unsecured loan Walang panigurong pautang Isang pautang kung saan ang nagpapautang ay walang anumang mga tangible asset (kagamitan, real estate, cash) bilang kolateral. Umaasa lamang ang nagpapautang sa kakayahang pinansyal at creditworthiness o pagiging karapat-dapat na pautangin ng nangungutang upang mabayaran ang utang.
Termino Pagsasalin Kahulugan
Variable-rate loan Variable-rate loan

Tinatawag ding floating interest loan.

Isang pautang kung saan nagbabago ang interes depende sa mga pagbabago ng rate ng interes sa market.

Termino Pagsasalin Kahulugan
Working capital loan Pautang na puhunan sa pagpapatakbo ng negosyo Pagpopondo upang masapatan ang pang-araw-araw na gastos sa pagpapatakbo ng kumpanya, tulad ng marketing, paggawa o paglulunsad ng mga bagong produkto, atbp.
Working capital ratio Working capital ratio

Tinatawag ding current ratio.

Ito ang pagkakaiba sa pagitan ng mga current asset at mga current liability. Ipinahihiwatig ng financial ratio na ito kung may sapat na cash flow ang isang negosyo upang masapatan ang mga short-term na pananagutan, samantalahin ang mga pagkakataon, at makaakit ng pabor na mga kundisyon sa pag-utang.

Your privacy

BDC uses cookies to improve your experience on its website and for advertising purposes, to offer you products or services that are relevant to you. By clicking ῝I understand῎ or by continuing to browse this site, you consent to their use.

To find out more, consult our Policy on confidentiality.