Mga itatanong bago magsimula ng negosyo
Maaaring isang makabuluhang karanasan ang pagsisimula ng isang negosyo. Pero maaaring hindi ito ang tamang desisyon para sa lahat. Mahalagang pag-isipan kung ang mga pagkakataon at pagsubok ng pagnenegosyo ay naaangkop sa iyong personalidad.
Simulan sa pamamagitan ng pagsubok sa aming online na pag-assess sa sarili para sa pagnenegosyo para malaman kung naaangkop para sa iyo ang pagnenegosyo.
Susunod, tanungin sa iyong sarili ang tatlong mahahalagang tanong na ito.
1. Orihinal ba ang iyong ideya?
Kung mayroon kang makabagong ideya, maaari mong pag-isipan kung kailangan ba nito ng proteksyon para sa intelektwal na pagmamay-ari para maiwasan itong makopya ng ibang tao.
Kung hindi orihinal ang iyong produkto o serbisyo, pag-isipan kung paano mo ito gagawing kakaiba at kapansin-pansin sa market.
2. Paano ka kikita?
Mahalagang pag-isipan ang iyong target na market at mga pagmumulan ng kita. Pag-isipan ang apat na tanong na ito:
- Sinu-sino ang iyong mga target na customer?
- Magkano ang handa nilang bayaran?
- Paano ihahatid sa market ang iyong produkto o serbisyo?
- Ikaw ba mismo ang bubuo, gagawa, magpapakete, magma-market at magbabahagi ng iyong produkto o serbisyo o sa pamamagitan ng pakikipagsosyo sa isa pang negosyo?
3. Anu-anong resource ang kailangan mo?
Susunod, pag-isipan kung anu-anong resource ang kakailanganin mo. Dapat mong alamin kung ilang empleyado ang kukunin, ang iyong timeline para magpakilala sa market, at ang mga gastusing pangminsanan at paulit-ulit. Tiyaking isama ang mga overhead na gastusin, gaya ng renta, mga supply sa opisina at insurance.
Pagkatapos, tukuyin ang iyong inaasahang kita para sa unang taon mo. Ibatay ang pagtatantyang ito sa laki ng iyong market, mga trend sa industriya at ang inaasahan mong bahagi sa market.
May mga tanong ka ba?
Nakahandang tumulong sa iyo ang mga specialist namin.