Paano sumulat ng business plan
Kung nasa ulo mo lang lahat ang negosyo mo, mahirap kumbinsihin ang mga nagpapautang, namumuhunan at shareholder na mayroon kang mapagkakatiwalaang kumpanya at na gagamitin mo ang kanilang pera nang mabuti. At iyan mismo ang dahilan kung bakit kailangan ang isang business plan.
Ang kilalang-kilalang management tool na ito ay isang nasusulat na dokumentong naglalarawan sa kung sino ka, ano ang plano mong makamit at kung paano mo planong malampasan ang mga panganib na kaakibat ng negosyo at makamit ang inaasahang kikitain.
Kapaki-pakinabang ang isang malinaw at mahusay ang pagkakadokumentong business plan hindi lang kapag nagsisimula ka ng bagong kumpanya o nag-a-apply para sa isang business loan. Nagbibigay din ito sa iyo at sa team mo ng gabay at pagpapaalala sa realidad sa pagpapatakbo ng negosyo, pananatili sa layunin para makamit ang mga mithiin at pagsubaybay sa iyong tagumpay.
Gawin itong detalyado pero simple
Hindi kailangang maging kumplikadong dokumento ang isang business plan na aabot ng daan-daang pahina. Sa katunayan, dapat na simple at maikli lang ito, habang nagbibigay sa bumabasa ng lahat ng impormasyong kailangan nila para ma-assess ang mga proyekto at posibilidad ng kumpanya mo.
Walang garantisadong formula sa pagsusulat ng epektibong business plan. Ang layunin ay maipakita na determinado kang magtayo ng isang matatag na kumpanya at taglay mo ang kakayahan, kasanayan at tiwala sa sarili na kinakailangan para maisakatuparan ang lahat ng ito.
Kumuha ng libreng template ng business plan at halimbawa ng isang business plan.
Narito ang ilang tip na dapat alalahanin sa pagsisimula mo:
- Isulat agad sa papel ang naisip sa lalong madaling panahon at huwag problemahin ang bawat detalye, lalo na sa unang draft mo.
- Gawing tunguhin na panatilihing malinaw at nasa punto ang impormasyon. Gusto ng mga tagabangko na makita ang mga totoong impormasyon.
- Ipakita ang plan sa board of directors mo (kung mayroon), sa senior management at sa mga pangunahing empleyado para makuha ang buong palagay nila.
- Madalas na pinakamainam na ipagawa sa isang taong mula mismo sa kumpanya na sumulat ng business plan. Pero makatutulong ding kumuha ng opinyon mula sa isang eksperto sa labas ng kumpanya.
- Makakukuha ka rin ng payo mula sa isang mentor na nakauunawa sa mga hamon na kinahaharap ng mga bagong imigrante na nagnanais magsimula ng negosyo. Makahahanap ka ng mga mentor sa pamamagitan ng mga organisasyong gaya ng ACCES Employment at Futurpreneur Canada.
Magbasa ng marami pang tip sa pagsisimula ng negosyo bilang isang bagong imigrante sa Canada.
Buod ng negosyo
Ang unang seksyon dapat ng business plan mo ay isang pangkalahatang-ideya ng negosyo mo. Kabilang dito ang:
- Ang pangalang legal at pangnegosyo mo, address ng negosyo at impormasyon sa pakikipag-ugnayan.
- Maikling paglalarawan tungkol sa negosyo.
- Maiikling buod ng iyong mga produkto o serbisyo, presyo, distribusyon, mga posibleng dahilan ng peligro at mga kalamangan sa mga kakumpitensya.
- Isang balangkas ng market mo at kung paanong tumutugma ang negosyo mo sa lagay ng demograpiko, ekonomiya, lipunan, industriya, market at kultura.
- Paglalarawan sa mga pangunahing player, kabilang ang mga kakumpitensya, supplier at distributor.
- Ang mga pahayag ng mithiin, pananaw, at prinsipyo ng kumpanya mo. Inilalarawan ng iyong mithiin ang ginagawa ng negosyo mo. Binabalangkas ng iyong pananaw ang nakikita mong sinisikap makamit ng iyong kumpanya hinaharap. Nagbibigay naman ang prinsipyo sa bumabasa nito ng ideya sa kung ano ang mga pangunahing priyoridad sa iyong organisasyon—halimbawa, pagtutulungan, integridad at pagtuon sa customer.
- Mga nalalapat na regulasyon ng gobyerno.
Sales at marketing plan
Binabalangkas ng seksyong ito kung paano mo maaakit ang mga customer, kumbinsihin silang bumili at patuloy silang pabalikin lagi.
Kabilang sa isang sales at marketing plan ang detalyadong larawan tungkol sa mga target mong customer, ang tinatantyang demand para sa mga produkto o serbisyo mo, at paliwanag kung bakit makakahimok ng mga customer ang inaalok mo. Kailangan mong ipaliwanag kung paano makakapagbigay ng positibong epekto ang iyong kumpanya sa buhay ng mga customer mo at kung bakit mas pipiliin nila ang iyong mga produkto kaysa sa mga produkto ng mga kakumpitensya mo.
Kabilang sa iba pang kapaki-pakinabang na elemento ng seksyong ito ang:
- Isang paglalarawan sa naiibang pagkakakilanlan ng tatak mo.
- Isang balangkas ng buong karanasan sa pamimili ng mga customer mo (ibig sabihin, kung paano sila nakikipag-ugnayan sa iyong negosyo).
- Ang mga layunin mo sa marketing (hal. ang tinatarget na bahagi sa market o bilang ng mga customer).
- Isang listahan ng mga dati nang customer at supplier, kung mayroon.
- Ang iyong mga planong mag-advertise at itaguyod ang negosyo mo.
- Isang maikling paglalarawan sa iyong patakaran sa pagbibigay ng serbisyo sa customer.
Magbasa pa tungkol sa paggawa ng isang marketing plan.
Operating plan
Nagbibigay ang operating plan ng mga detalye ng mga pisikal mong pasilidad (lokasyon, laki, pag-aari), mga capital na kagamitan (gaya ng makinarya at kagamitang pangteknolohiya), anumang paparating na kinakailangang gastusin bilang capital, pag-aaring intelektwal, muwebles, mga ginagawang pananaliksik at pagbubuo, at anumang kinakailangang gawain para sa pagsunod sa mga kinakailangang pangkalikasan.
Human resources plan
Dapat na ipaliwanag ng matatag ng business plan kung paano mo planong mag-recruit at magpanatili ng mga empleyado at anumang natatanging hamon sa pagkuha ng tauhan na maaaring kaharapin ng iyong negosyo. Dapat mo ring isama ang isang chart ng organisasyon, paglalarawan sa mga trabaho, mga oras na bukas ang negosyo, pasweldo at mga benepisyo, mga patakaran sa pagbibigay ng bakasyon, pag-assess sa performance at impormasyon sa pagsasanay at pagpapahusay sa mga empleyado.
Legal na istruktura
Dapat mong ilarawan ang istruktura ng pagmamay-ari ng iyong negosyo—sino ang may-ari nito at anong uri ng kumpanya ito (hal. isahang pagmamay-ari, partnership, kumpanyang limitado o korporasyon, B Corp). Kung bumibili ka ng isang nakatatag nang kumpanya, magbigay ng mga detalye sa kasunduan sa pagbili. Tandaang dapat mong ipasuri sa isang abogado ang lahat ng kontrata at problemang legal.
Action plan
Isasama mo rito ang maikling talahanayan o chart (sapat na ang isa o dalawang pahina) na nagpapakita sa mga pangunahing layunin at maiikling tunguhing aabutin sa mga susunod na taon. Maaaring makatulong na isulat ang mga target na petsa at kung sinu-sino ang mga may responsibilidad sa bawat gawain.
Pangkalahatang buod
Isang maikli at tumpak na buod para sa pangmataasang pangkalahatang buod (muli, isa o dalawang pahina ay sapat na) ay magandang pangwakas sa business plan. Dapat na kasama rito ang:
- Ang iyong mga layunin at paglalarawan sa proyekto. (Tiyaking tukuyin kung isa itong bagong pinapasok na negosyo, isang pagpapalago sa dati nang negosyo o pagbili sa isang bagong negosyo.)
- Kasaysayan ng negosyo at paglalarawan sa kalikasan ng mga operasyon mo.
- Ang iyong mga produkto o serbisyo at ang naiiba nitong pang-akit sa customer.
- Ang iyong pangangailangan sa pinansyal.
- Mga detalye sa pamunuan at sinumang tagapayo.
- Isang maikling balangkas ng iyong plano sa pag-assess at pagharap sa banta sa negosyo.
- Impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa mga institusyong pampinansyal.
Mga pansuportang dokumento
Mahalagang magsama ng pansuportang impormasyon para suportahan ang business plan mo. Maaaring kabilang sa mga ito ang mga feasibility study, survey, pag-aaral sa market, impormasyon tungkol sa mga pangunahing kakumpitensya at pangkalahatang-ideya ng industriya. Maaari kang gumamit ng mga footnote sa pangunahing dokumento para ituro ang bumabasa sa mga pansuportang dokumento.
Apendise: Financial plan
Dapat na may kasamang financial plan ang iyong business plan na nagpapaliwanag sa naiisip mo tungkol sa kung paano ka kikita ng pera, saan mo gagastusin ito at kung anong serbisyong pampinansyal ang kailangan mo.
Dapat na kasama sa isang matatag na financial plan ang:
- Mga numero tungkol sa benta (nakaraan at inaasahan sa susunod na tatlong taon). Dapat na idetalye ito ayon sa kategorya ng produkto at isaad sa dolyar at bilang porsyento ng kabuuang benta.
- Nagbabago at di-nagbabagong gastusin (nakaraan at inaasahan), idinetalye ayon sa mga kategoryang gaya ng imbentaryo, materyales, freight, bayarin, mga sweldo at pasahod, mga pagpapakumpuni at pagmamantini, mga serbisyo at utility, pagbaba ng halaga, paunang gastos, pagbiyahe, advertising, gastusin sa opisina, insurance at mga buwis. Huwag kalimutang magsama ng detalyado at mahusay na naidokumentong gastusin sa pagsisimula.
- Nakaraan at inaasahang statement ng katayuang pampinansyal (statement of financial position) at kinita (income statement).
- Inaasahang lalabas na pera buwan-buwan para sa susunod na tatlong taon.
- Isang pahayag tungkol sa mga kinakailangang pampinansyal sa bawat larangan ng iyong negosyo. Dapat na kasama rito ang paglalarawan sa anumang dati nang utang at para saan ginamit ang mga ito.
- Isang talahanayan ng mga indicator ng performance, na may data sa nakaraan at ng inaasahan. Maaaring kabilang dito ang ilang pangunahing sukatan, gaya ng kasalukuyang ratio (mga kasalukuyang asset na hinati sa mga kasalukuyang kailangang bayaran), edad ng mga accounts receivable, inventory turnover, nasasaklaw na interes, kabuuang debt to equity, kita sa pamumuhunan (return on investment), return on assets at asset turnover.
- Impormasyon sa pinansyal para sa mga principal ng kumpanya. Kailangan ito ng mga nagpapautang para ma-assess nila ang kakayahan mong magbayad ng utang. Dapat mong isama ang iyong personal na address at impormasyon sa pakikipag-ugnayan, ang kinikita at mga asset mo, anumang binabayaran at ang pangalan ng iyong asawa at mga detalye tungkol sa kaniyang pagtatrabaho. Kung mayroon kang sinumang partner sa negosyo, kailangan din ang kanilang impormasyon sa pinansyal.
Interesado rin ang mga tagabangko sa iyong personal na katayuan sa pinansyal dahil karaniwan silang humihingi ng ilang bahagi ng pamumuhunan mula sa iyo bilang katibayan ng iyong determinasyon. (Maaari mong buuin ang pamumuhunang ito nang sarili mo o sa pamamagitan ng kapamilya at mga kaibigan). Ang pamantayan ay na humahatak ng pera ang pera; kapag mas marami kang backer, mas madaling makakahimok ng mga bagong backer.
Isaisip ding titingnan ng tagabangko ang kasaysayan ng pag-utang mo para masukat ang pagkamaaasahan mo. Tiyaking alam mo kung anu-anong credit agency ang may file tungkol sa iyo o sa kumpanya mo.
Kung bago ka sa Canada, maaaring wala kang kasaysayan sa pag-utang na maipapakita sa mga bangko kapag umuutang para sa negosyo. Isang madaling solusyon ay ang mag-sign up para sa isang credit card at gamitin ito sa responsableng paraan. Maaari ka ring humanap ng mga programang pampinansyal ng gobyerno, gaya ng Pautang para sa Bagong Dating na Negosyante (Newcomer Entrepreneur Loan) ng BDC.
Iwasan ang mga panganib na ito
- Maging makatotohanan sa business plan mo. Dapat na kaya mong patunayan ang anumang hinuha o inaasahan.
- Iwasang pagtakpan ang mga problema sa pinansyal. Maging tapat sa nagpapautang sa iyo, halimbawa, kung bumaba ang benta mo, at maaaring mas gusto mo ng nababagong schedule ng pagbabayad. Ang matapat na business plan ay isa sa pinakamahuhusay mong asset sa pagkuha ng tiwala ng mga tagabangko at namumuhunan, maging mga kasamahan pa man sila o mga tao sa labas ng kumpanya.
- Huwag magbigay ng kulang-kulang na impormasyon. Magbigay ng sapat na detalye sa team sa pamunuan, mga marketing plan at mga gastusin sa pagsisimula.
May mga tanong ka ba?
Nakahandang tumulong sa iyo ang mga specialist namin.